-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nadagdagan pa ang mga bayan sa lalawigan ng Maguindanao na binaha dulot ng pag-apaw ng Rio Grande De Mindanao,Pulangi River at Liguasan Marsh.

Unang sinalanta ng baha ang bayan ng Datu Montawal at Pagalungan Maguindanao na unang cut basin nang rumaragasang baha mula sa Agusan River at mga kailugan sa probinsya ng Bukidnon.

Sinabi ni Pagalungan Vice-Mayor Abdilah “Abs”Mamasabulod na grabe ang epekto ng baha sa kanilang bayan,sa labing dalawang Barangay nito labing isa ang lubog sa baha.

Maswerte anya dahil walang nadisgrasyang mga residente sa baha at naghahanda na ang lokal na pamahalaan ng Pagalungan na mamahagi ng tulong.

Sa bayan ng Datu Montawal,lahat ng Barangay ay binaha at nakapagbigay na ng paunang tulong ang LGU sa pamumuno ni Mayor Datu Ohto Montawal sa mga pamilya na apektao ng kalamidad.

Ayon sa Alkalde na 24/7 na naka-monitor ang mga kawani ng MDRRMO sa sitwasyon sa baha.

Nagdagdag sa listahan sa mga binahang lugar sa lalawigan ng Maguindanao ang mga bayan ng Datu Salibo,Rajah Buayan,Sultan Sabarongis,Northern Kabuntalan,Datu Piang at Shariff Saydona Mustapha.

Nagsagawa na ng damaged assesment ang Provincial Government ng Maguindanao sa mga binahang bayan at agad makapagbigay ng ayuda sa mga apektadong pamilya sa kalamidad.