-- Advertisements --
image 458

Bagaman maraming mgabasketball analysts ang pumupuna dahil sa kakulangan ng mga batikang players, posible pa rin umanong babandera ang talento ng mga batang Team USA players.

Naniniwala si Team USA Head Coach Steve Kerr na magiging strength ng kanyang binuong koponan ang kabataan ng mga player na bumubuo dito.

Kabilang sa mga ipinagmalaki ng batikang coach ang talento ni Minnesota Timberwolves guard Anthony Edwards na dati nang nagpapakitang gilas sa mga nakalipas na tournament at tune up games ng Team USA.

Kasama sa mga inaasahan nitong babandera sa FIBA 2023 ay ang all around player ng Pacers na si Tyrese Haliburton, Pelicans Forward Brandon Ingram, at ang 2023 NBA Rookie of the Year na si Paolo Bonchero ng Orlando Magic.

Ayon kay Coach Kerr, sa mga nakalipas na taon ay nakita ang pag step-up ng mga batang players sa mga international competition, katulad ng Olympics at World Cup, kayat nakakatiyak umano ito na walang magiging problema sa kasalukuyan nitong sinasanay na team.

Maalalang noong 2019 World Cup ay umani ng batikos ang team USA matapos mabigo ang mga ito na maiuwi ang championship nang matalo ang koponan sa mga Eurupean countrues katulad ng France at Serbia.

Ang pagkatalong iyon ng Team USA ay ang pinakamasamang pagkatalo na kanilang natanggap sa kasaysayan ng kanilang pagsali sa FIBA.

Sa taong iyon, ang Team Spain ang nag-uwi sa pinaka-aasam ng lahat na Naismith Trophy.