Patuloy na nakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa mga private ship owners sa Pilipinas hinggil sa planong gawing floating quarantine hospitals para sa COVID-19 ang ilan sa mga barko sa bansa.
Sa kanyang limahan na pinadala kay Sen. Francis Tolentino na may petsang Marso 26, sinabi ni Tugade bukod sa mga private ships ay kinokonsidera ring gamitin ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) bilang karagdagang medical facilities kung kakailanganin.
Tinukoy ni Tugade na sa ilalim ng Section 4 ng Bayanihan to Heal as One Act, may kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte na pangasiwaan ang operasyon ng anumang privately-owned passenger vessels para magsilbi bilang temporary medical facilities.
Ayon sa kalihim, ang floating quarantine facilities ay lalagyan ng mga kinakailangan na medical equipment at maaring ipadala saan mang bahagi ng bansa.
Bukod dito, maari rina niyang mag-deploy din ng logistics at supply ships at hindi lamang floating hospitals.
Samantal, sinabi ni Tugade na nag-alok na rin ang PCG na bantayan ang mga barkong gagawing floating COVID-19 hospital.
Nangako rin ang PCG aniya na magpapadala ng kanilang sariling mga doktor at nurses bilang augmentation sa existing medical forces.