-- Advertisements --

Namataan ang mga barko ng China na lumilikha ng blockade positions sa may Ayungin shoal sa gitna ng isinasagawang rotation and resupply mission ng mga tropa ng Pilipinas na nakaistasyon sa BRP Sierra Madre sa naturang shoal.

Ito ang ibinunyag ni US maritime security analyst Ray powell na nagmomonitor sa resupply mission ng bansa.

Ayon sa ibinahaging impormasyon ni Powell, gumawa ang Chinese maritime militia ng blockade positions sa shoal at lumalabas na handang makipag-compete hindi tulad niong nakalipas na misyon ng bansa.

Posibleng kabilang sa blockade o pagharang sa mga barko ng PCG na nagsasagawa ng RoRe mission na BRP Cabra at BRP Sindangan ang nasa 15 Chinese maritime militia ang visible aniya sa Automatic identification system kabilang din na naispatan ang 1 hanggang 1 malalaking China Coast Guard na “running dark’ o nasa gray zone tactic kung saan pinatay nila ang automatic information system ng kanilang barko para maiwasang madetect.

Ang resupply escorts ng PH ay nasa 13-16 nautical miles mula sa Ayungin shoal nang binuntutan pa ito ng 2 barko ng PH ng mahigit 4 pang Chinese militia vessels na Qiong Sansha Yu

Una ng sinabi ng AFP nitong Martes na magsasagawa ito ng resupply mission sa pamamagitan ng Western Command kasama ang kinontratang 2 civilian vessels para ma-sustain ang military forces na ipinadala sa WPS at mapanatili ang presensiya ng PH sa EEZ.