-- Advertisements --
AFP CHIEF GEN. ROMEO BRAWNER JR

Muling binigyang-diin ni Armed Forces of the Philippines chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. na nananatiling ang bansang China ang mayroong pinakamaraming sasakyang pandagat sa West Philippine Sea.

Sa isang pahayag ay isiniwalat ni Gen. Brawner na batay sa kanilang pinakahuling monitoring ay aabot sa mahigit 400 mga foreign vessels ang namataan sa West Philippine Sea.

Kabilang na rito ay ang mga research vessels, fishing vessels, coast guards, at navies ng iba’t-ibang mga bansa na naglalayag sa naturang lugar.

Ngunit ayon sa heneral, mayorya sa mga ito ay pawang mga Chinese vessels kung saan tinatayang aabot sa 85% ng naturang bilang ang katumbas nito.

Kung maaala, una na na ring sinabi ng United States maritime security expert na mayroong kabuuang 21 Chinese maritime militia ships ang namataan kamakailan lang patungo sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Matatandaan ding nitong weekend lamang ay kinumpirma ni Gen. Brawner na binuntutan ng Chinese vessel ang barko ng Pilipnas na BRP Laguna habang nagsasagawa dito ng resupply mission sa naturang pinag-aagawang lugar sa bahagi ng Kalayaan Group of Islands na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.