Kabilang na ang mga barangay tanod sa mabibigyan ng emergency cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program ng pamahalaan sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa isang virtual presser, sinabi ni DSWD Usec. Camilo Gudmalin na sa kasalukuyan allowance o honorarium lamang ang natatanggap ng mga barangay tanod.
Ito aniya ang dahilan kung bakit binago ng DSWD ang sinusunod na omnibus guidance para maisama ang mga barangay tanod sa Social Amelioration Program.
Base sa unang guidelines, kabilang sa mga target beneficiaries ng naturang programa ay mga persons with disability, buntis, solo parents, distressed OFWs, underprivileged sector at homeless families, mga manggagawa sa informal sector o self-employed, rice farmers at iba pang mga mahihirap na pamilya.
Sa programang ito, makakatanggap ang benepisyaryo ng P5,000 hanggang P8,000 sa loob ng dalawang buwan.