-- Advertisements --

Dumami pa ang mga bansang inililikas ang kanilang mga empleyado ng kanilang embahada sa Sudan.

Nanguna dito ang US at United Kingdom kung saan ipinag-utos mismo ni US President Joe Biden ang pagpapalikas ng mga empleyado ng kanilang embahada at mga US citizens na nasa Sudan dahil sa lumalalang kaguluhan.

Nasa 100 na sundalo ang tumulong para mailikas ang mga mamamayan ng US palabas ng Sudan.

Inaasahan na susunod na ang ilang mga bansa na ilikas ang kanilang mamamayan para hindi na madamay sa kaguluhan.

Magugunitang ilang daang katao na ang nasawi dahil sa labanan sa pagitan ng sundalo ng Sudan at ang paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF).