-- Advertisements --

Hinikayat ng ilang senador ang gobyerno na simulan na ang pakikipag-usap sa mga karatig na bansang claimant din sa South China Sea, sa harap ng napipintong paghihigpit ng China.

Simula kasi sa Pebrero 1, 2021, papayagan na ng Beijing ang kanilang coast guard na atakehin ang anumang sasakyang pandagat na papasok sa kanilang inaangking teritoryo.

Ayon kay Sen. Francis Tolentino, ang paghahain ng diplomatic protest ay hindi rin epektibong hakbang, dahil nakadepende pa rin ito sa kusang pagsunod ng ipinoprotesta.

Gayunman, kung grupo ng mga bansa ang gagawa ng hakbang, mas malakas ito at mapapakinggan ng marami.

Una na ring naglabas ng kanilang pagkabahala sina Sen. Richard Gordon at Sen. Risa Hontiveros na tuluyang mawalan ng trabaho ang ating mga kababayan na umaasa lang sa mga nahuhuling isda sa West Philippine Sea.