-- Advertisements --

Nagsama-sama ang grupo ng mga Middle Eastern countries para kondinahin ang pag-atake ng Iran.

Sa pahayag na inilabas ng mga bansang United Arab Emirates, Bahrain, Saudi Arabia, Qatar at Jordan ay labis nilang kinokondina ang ginagawang pag-atake ng Iran.

Tinawag nila ang nasabing pag-atake bilang isang paglabag sa soberanya.

Hindi lamang kasi mga asset ng US ang tinamaan ng airstrikes ng Iran at sa halip ay maging mga imprastraktura ng nasabing mga nabanggit na bansa.

Kasama rin na kinondina nila ang pagpapabaya ng Iraq na gamitin ng mga armed factions para doon ilunsad ang kanilang pag-atake.