-- Advertisements --
Naiuwi na ng mga kaanak ang bangkay ng siyam na aktibistang napatay sa Calarbarzon.
Ito ay matapos ang limang araw ng pigilan umano ng mga kapulisan na ibigay sa mga kaanak nila ang mga bangkay habang ito ay nasa kustodiya ng isang morgue sa Antipolo City.
Nauna ng inakusahan ng mga kaanak ng napatay na aktibista na tila hinohostage ng kapulisan ang mga bangkay na mariing pinabulaanan ng PNP at sinabing nais lamang nilang matiyak na mapunta sa tunay na kaanak ang mga bangkay.
Maguguintang tiniyak na rin ni Department of Justice Secretary Menardo Guevarra na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.