Humirit ang mga balo at asawa ng mga World War II veterans sa gobyerno ng pagtaas ng kanilang buwanang pension.

Nais nila na itaas ito sa P20,000 kada buwan mula sa dating P5,000.

Ang mga nabubuhay naman na war veterans ay tumatanggap ngayon ng P20,000 sa kanilang buwanang pension na nagsimula noong Enero mula sa dating P6,000.

Kuwento pa ng ilang mga balo ng mga beterano na matagal ng hinihintay ng kanilang asawa ang dagdag pension hanggang sila ay tuluyang pumanaw.

Mahalaga ang ang nasabing dagdag pension dahil sa daming gastusin nila habang sila ay nagkakaedad na.

-- Advertisement --