-- Advertisements --

Iba’t-ibang kalibre ng armas mula sa umano’y gunsmith ng New People’s Army sa Miagao, Iloilo ang nakumpiska ng mga otoridad.

Kinilala ang suspek na si Joemarie Genosa Arro, 53-anyos, residente ng Brgy. Aguiauan, Miagao, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PRO 6 Director Police Brigadier General Rene Pamuspusan, sinabi nito na nakuha mula sa kay Arro ang: Isang 12-guage shotgun; limang12-guage shotgun barrels; isang semi-pistol ng hindi pa matukoy na kalibre ng armas; isang improvised caliber .38 pistol na may magazine; limang air guns; pitong caliber .38 revolvers; 12 mga magazine; 187 mga bala; at kagamitan sa pagkukumpuni ng armas.

Ayon kay Pamuspusan, konektado si Arro sa rebeldeng grupo, kung saan nagsisilbi itong gunsmith o nagkukumpuni ng armas. 

Napag-alaman na matagal nang isinasailalim sa monitoring si Arro ngunit noong nakaraang buwan lang nakumpirma ang kaugnayan nito sa rebeldeng grupo.