Pinawi ni Presidential Adviser on Entrepreneurship Jose Maria “Joey” Concepcion III ang pangamba ng marami tungkol sa COVID-19 vaccine.

Sinabi ng Go Negosyo founder na ang mga bakuna na aprubado ng gobyerno ay tiyak na ligtas dahil ito ay dumaan sa pagsusuri ng Food and Drugs Administration (FDA).

Dagdag pa nito na lumakas pa lalo ang kumpiyansa nito na epektibo ang bakuna dahil sa pag-apruba na ng FDA.

Inaasahan naman ni Cocepcion na sa buwan pa ng Hunyo darating ang mga COVID-19 vaccines na binili ng mga pribadong kumpanya.