-- Advertisements --

Umaasa si Pangulong Rodrigo Duterte na ang mga bagong graduate ng Philippine Military Academy (PMA) ay ang mga susunod na lider ng bansa na magiging responsable sa pagprotekta sa karapatan ng mga mamamayan.

Kasunod na rin ito ng mga pagsubok na posibleng kaharapin ng ating bansa sa hinaharap.

Nagbigay ito ng talumpati sa harap ng 214 graduates ng PMA “Bagsik Diwa” Class of 2022 sa huling pagkakataon bago magtapos ang kanyang termino.

Ayon kay Duterte, ang mga bagong graduate ay kabilang sa mga lalaban sa mga problema ng bansa gaya ng corruption, krime at iligal na droga.

“My administration was constrained to adopt extreme legal measures to fight society’s ills at the start of my term. Sad to admit, after six years, these ills hound us still though to some lesser degree of intensity. Corruption, red tape, and illegal drugs, and crime and criminalities are the wrongs that we need to correct. I guess it is in the hands of the next generation of Filipino leaders and movers where our salvation rests. You, the Bagsik Diwa Class of 2022 belong to that generation,” ani Duterte sa kanyang speech sa PMA commencement exercises sa Fort General Gregorio del Pilar sa Baguio City.

Binati rin ni Duterte ang mga nagtapos kasama na ang kanilang mga magulang.

Hinimok din nito ang mga nagtapos na kadeteng protektahan lagi ang karapatan ng bawat tao.

Ipinunto pa nitong bahagi raw ng kanilang training sa akademya na maging matapang, competitive at disiplinado.

Kung maalala, binibigyan ni Pangulong Duterte ng house and lot ang mga PMA at PNPA class valedictorians.