Nakatakdang sumailalim sa serye ng leadership training ang mga bagong halal na opisyal ng Brgy.
Ito ay sa ilalim ng Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent (GREAT) Barangays na isa sa mga regular na training program ng Local Government Academy (LGA).
Inaasahang aabot sa 42,000 ang bilang ng mga bagong opisyal, na magmumula sa ibat ibang bahagi ng bansa.
Pangungunahan naman ng Department of Interior and Local Government ang naturang pagsasanay.
Sa naging mensahe ni DILG Sec Benhur Abalos Jr, umaasa umano siya na ang naturang training ay magbibigay ng kahandaan sa mga bagong opisyal para sa kanilang paggampan sa kanilang mga tungkulin.
Ayon kay Abalos, malaki ang papel ng mga opisyal ng Brgy dahil sa brgy level kadalasang nagsisimula ang lahat ng progreso na hinahangad ng isang LGU.
Kabilang sa mga pagdadaanan ng mga ito ay ang basic orientation course kung saan ipapakilala sa kanila ang pondasyon ng pamamahala sa brgy.
Binubuo ito ng mga probisyon ng Local Government Code(LGC), development planning, budget, financial obligations, at tamang asal ng mga opisyal ng brgy.
Tiniyak din ng kalihim na papatutukan ang usapin ng accountability sa mga bagong opisyal.
Nakahanda aniya ang naturang ahesniya upang magbigay ng technical assistance sa mga programa ng brgy, upang matiyak ang maayos na pagpapatupad sa mga ito.
Nitong Oktubre-30 nang ginanap ang halalang pambarangay at Sangguniang Kabataan, matapos ang dalawang beses na pagka