-- Advertisements --
image 47

Hinimok ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang ma bagong halal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan na magkaroon ng aktibong papel sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa at kaunlaran.

Kaakibat ng pagsusulong ng pagkakaisa, walang hanggang kapayapaan at inklusibong pag-unlad sa pamamagitan ng Barangay Development Program, hinihimok ng task force ang mga opisyal ng barangay at SK partikular na sa mga lugar na apektado ng mga New People’s Army insurgents para aktibong makilahok sa pagtukoy ng puno’t dulo ng naturang mga isyu at humanap ng solusyon para sa naturang mga problema na nakakaapketo sa mga komunidad.

Malaki aniya ang pag-asa sa magiging kontribusyon sa hinaharap ng mga bagong nahalal na mga lider bilang Regional Task Force ELCAC.

Kung kayat umaasa ang task force sa paggampan ng mga ito sa kanilang mandato at sinumpaang tungkulin sa mamamayang Pilipino.

Kinikilala din ng task force ang mahalagang papel ng mga opisyal ng barangay sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyo na makakaapekto sa buhay ng bawat isa sa kanilang mga nasasakupan.

Nagpaabot din ang task force sa mga bagong nahalal na SK officials at kinilala ang mahalagang gampanin ng mga ito bilang mga ehemplo sa mga kabataang Pilipino, gagabay sa kanila patungo sa landas ng kapayapaan at nation-building na nagmumula sa pagmamahal sa ating bansa.