-- Advertisements --
Makaka-access na ang mga mamimili ng P170 hanggang P180 na presyo ng bagong aning sibuyas kada kilo bago matapos ang taon.
Nakatakda itong ibenta ng Department of Agriculture (DA) pagdating ng Sabado, Dec. 30, sa mga Kadiwa ng Pasko store at ilang pamilihan sa Metro Manila.
Malayo ito sa presyong P500-P720 kada kilo ng sibuyas sa malalaking pamilihan sa bansa.
Ayon kay Agriculture spokesperson Asec. Kristine Evangelista, direkta ito mula sa mga magsasaka, habang subsidiya ng ahensya ang transportasyon, bayad sa tindera at puwesto.
Dahil sa nasabing development, inaasahang maiibsan na ang mahal na presyo ng naturang produkto, lalo na sa ilang malalaking bagsakan ng agriculture supply.










