-- Advertisements --
Pinagbawalan ang mga babaeng mag-aaral sa France na magsuot ng abayas sa mga pampublikong paaralan.
Magsisimulang ipatupad ang nasabing patakaran sa araw ng pasukan sa Setyembre 4.
Mahigpit na pinagbabawalan ng France ang mga religious signs sa mga state schools at gusali na pag-aari ng gobyerno dahil umano ito ay paglabag sa mga secular laws.
Mula pa noong 2004 ay pinagbawalan na ang pagsusuot ng mga headscarf sa mga paaralan na pinapatakbo ng mga gobyerno.
Paliwanag naman ni Education Minister Gabriel Attal ng France na dapat ay agad na makilala ang mga mag-aaral tuwing sila ay nasa paaralan.