-- Advertisements --

Nagsalita na ang mga babaeng nasa viral social media post na humakot sa laman ng community pantry sa Barangay Kapitolyo sa lungsod ng Pasig.

Sinabi nila na kaya marami ang kanilang kinuhang pagkain ay dahil ipapamahagi umano nila ang mga ito sa kanilang kapitbahay.

Ayon naman sa isang babae na handa nitong ibalik ang nasabing mga nakuhang pagkain at nilinaw nito na hindi nila ito ninakaw.

Magugunitang umani ng batikos ang ginawang paghakot ng limang babae sa community pantry sa Kapitolyo, Pasig matapos na ito ay kumalat sa social media.