Halos magkasabay na umusad sa fourth round ng WTA 1000 Canadian Open ang tatlong tennis star na sina top seed Aryna Sabalenka, third seed Jessica Pegula, at seventh seed Iga Swiatek.
Tinalo ni Sabalenka si Zhang Shuai sa dalawang set, 6-3, 6-4, para umusad sa Round of 16.
Inabot lamang ng 76 ang bakbakan ng dalawa at tuluyang napasakamay sa 28-anyos na kasalukuyang US Open champion matapos ang dominanteng performance.
Sa kabilang banda, tinalo naman ng 3rd seed na si Pegula ang tennis star ng Uzbekistan na si Kamilla Rakhimova sa score na 6-4, 6-0.
Hindi pinatagal ni Pegula ang laban at inabot lamang ito ng 68 minutes para tuluyang umusad sa quarter-final. Makakalaban niya si Russian 15th seed, Diana Shnaider sa naturang antas.
Samantala, nagawa naman ni Swiatek na umusad sa QF matapos ang dominanteng 6-2, 6-1 na panalo laban kay Swiss player, Viktorija Golubic sa loob ng 66 minutes.
Ang tatlong tennis star ay pare-aprehong nasa upper portion ng Women Tennis Association ranking dahil sa impresibong kampaniya sa mga naunang sinalihang international tennis tournament.
















