-- Advertisements --

Wala munang mga fans na papayagan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa muling pagbabalik ng mga laro.

Sinabi ni PBA Commissioner Willie Marcial, na ito ang isa sa kanilang napagkasunduan sa ginawang pagpupulong ng board.

Nais kasi ng PBA na maiwasan ang pagkakahawaan ng COVID-19 lalo na aniya at mataas pa rin ang kaso nito sa Metro Manila.

Nakipag-ugnayan na rin sila sa Smart-Araneta Coliseum, Mall of Asia Arena at Ynares Sports Arena para doon ganapin ang mga laro.

Patuloy ang kanilang pag-aantabay sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 para maityak kung ligtas na ituloy ang mga laro.