-- Advertisements --
Clark stadium Capas Sea Games SEAG
World class New Clark City Athletics Stadium (photo by Bombo Bam Orpilla)

DAVAO CITY – Isang malaking karangalan umano hindi lamang para sa kanya kundi lalo na sa buong lungsod ng Davao na siyang hometown ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging isa sa mga mangunguna sa ceremonial torch relay sa pag-host ng bansa sa 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Sa panayam ng Bombo Radyo Davao, inihayag nga 19-anyos na si Mikee Selga, 2015 SEA Games wakeboard double bronze medalist, masaya at sobrang proud siya lalo na ang kanyang pamilya at mga kaibigan na makita siyang maging representante ng bansa sa darating na SEA Games.

Dagdag pa nito, nakatakda sana siyang aalis sa October 30 papuntang Clark para sa kayang training sa SEA Games pero ipinagpaliban nya ito upang makasali sa torch relay na nakatakda sa gabi ng October 30.

Makakasama na babandera ni Selga sa SEA Games ceremonial torch relay ang dalawa pang mga dabawenya na sina Nesthy Petecio, Aiba Women’s World Boxing Championships 2019 gold medalist at Sydney Sy Tancontian ng judo na magsisimula sa lungsod ng Davao sa October 30.

SEA Games Torch
The official Torch. Designed by the country’s foremost metal sculptor, Daniel dela Cruz, the torch is inspired by the national flower, Sampaguita. It symbolizes purity, simplicity, humility and strength.

Mula sa Malaysia, uumpisahan ang torch relay sa Davao bago ito dumaan sa iba’t ibang bahagi pa ng bansa gaya ng Cebu, Tagaytay, Manila, Malacañang, Kamara at Clark, Pampanga.

Samantala, gagawin umano ni Selga ang lahat upang muling makasungkit ng mga medalya sa darating na kompetisyon sa kabila ng matitindi niyang mga makakarap na mga kalaban.