-- Advertisements --

Ibinunyag ni Kris Aquino na nagpositibo sa COVID-19 siya at dalawang anak na sina Bimby at Josh.

Sa kaniyang social media, ay nagbigay ito ng update habang nagpapagamot sa US dahil sa kakaibang sakit nito.

Kuwento nito na noon pang June 19 ng unang magpositibo sa COVID-19 si Josh at matapos ang ilang araw ay sumunod si Bimby.

Labis itong nalungkot dahi sa pinayuhan siya ng kaniyang mga doctor na lumipat ng hotel dahil sa pagiging immunocompromised nito na magpapaplalala sa kaniyang sakit.

Gumaling na rin aniya ng dalawang anak matapos ang ilang linggo kaya kaniya silang nakapiling.

Umaasa ang TV host-actress na magkaroon ng malakas na immunity matapos na mabakunahan sa kaniyang sakit na autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria (CSU) at Churg Strauss syndrome.

Nagpasalamat rin ito sa mga nagpaabot ng kanilang pagdarasal para sa agaran nilang paggaling na mag-iina.