Isinailalim sa quarantine ang apat na anak ng mag-asawang nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Cainta Mayor Kit Nieto na binisita kamakailan ng mga health officials ang bahay ng mag-asawa.

Ito ay matapos na kumpirmahin kahapon ng Department of health (DOH) ang panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ang ika-anim na kaso na ito ay asawa ng pasyente na nauna nang nagpositibo sa COVID-19 na walang recent travel history, ayon sa DOH.

Sinabi ng kagawaran na ang ika-limang kaso sa bansa ang kauna-unahang local transmission ng COVID-19.

Sinabi ni Nieto na binigyan ng lokal na pamahalaan ng protective equipment ang mga kapitbahay ng naturang mag-asawa.