-- Advertisements --

Maraming mga Americans na nasa Haiti ang lumikas na dahil sa patuloy na kaguluhan doon.

Lulan ang mga ito ng US-chartered helicopter flight habang ang iban ay sa Florida-organized plane na lumapag sa Orlando.

Sinabi ni Florida Governor Ron DeSantis na mayroong 14 na katao ang dumating sa Orlando Sanford International Airport.

Ayon naman kay Florida Division of Emergency Management Executive Director Kevin Guthrie , na mayroon pang halos 400 na mga kababayan nila ang nananatili pa rin sa Haiti.

Tuloy-tuloy din ang kanilang panawagan sa mga mamamayan nila na dapat ay lumikas na mula sa Haiti dahi sa nasabing kaguluhan.

Magugunitang dahil sa lumalalang gang war at political instability sa Haiti ay maraming mga government offices doon ang isinara na kabilang na ang kanilang paliparan.