-- Advertisements --

Humingi ng tulong ang ilang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) sa ilang mga private companies para makagawa sila ng karagdang kama na gagamitin bilang isolation ng mga pasyente na mayroong mild symptoms ng COVID-19.

Kasunod ito ng naging payo ni National Task Force against COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr sa mga Metro Manila mayors na mag-allocate ng nasa 1,000 beds sa bawat lugar.

Sa nasabing hakbang ay para maiwasan ang pagsasagawa ng home quarantine sa bawat lugar.

Tinukoy kasi ni Galvez ang NCR, Region 4a, Region 7, iligan, Bacolod at ibang mga lugar na ang sanhi ng mabilisang pagkakahawa ay ang pagsasagawa ng home quarantine.

Mas apektado at mahahawaan ang mga kaanak ng COVID-19 positive patient kapag ito ay nasa home quarantine.

Umaabot naman sa mahigit 1,000 ang idinagdag sa mga pangunahing pagamutan sa bansa.