Nananatili pa ring nasa ilalim ng heightened alert ang 42 commercial airports ng CIvil Aviation Authority of the Philippines(CAAP).
Una kasi itong itinaas sa naturang alerto noong Oktobre-6 kasunod ng natanggap ng Air Traffic Servicena email na nagsasabing ilang mga sasakyang panghimpapawid ang posibleng papasabugin.
Ayon sa CAAP, patuloy pa rin nilang babantayan ang seguridad ng bawat pasahero, kasunod pa rin ng naging pagbabanta.
Hindi aniya isasantabi ng CAAP ang naturang banta, lalo na at kaligtasan ng mga pasahero ang nakataya dito.
Maaalalang matapos matanggap ng CAAP ang naturang banta, agad naglabas ng memorandum si Ricardo Banayat, assistant director general II ng CAAP Security and Intelligence Service, na nag-aatas sa mga management ng bawat airport na magdagdag ng mga personnel upang magbantay at matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pagtitiyak ng civil aviation, nakamonitor ang buong hanay ng ahenisya, kasama na ang mag law enforcement agencie ukol sa naturang bansa.