-- Advertisements --
Nakuha ni Sergio Perez ang kampeonato ng Saudi Arabian Grand Prix.
Mula sa pole position sa Red Bull one-two ay nahigitan nito si Max Verstappen na nasa pangalawang puwesto.
Naagaw naman ng double Formula One world champion na si Verstappen ang bonus point mula kay Perez sa last-lap blast.
Sinabi ng Mexican champion driver na noon pang nakaraang taon ay pinangarap niyang manalo kaya pinagbuti niya ito ngayong taon.
Mayroon ng 44 points si Verstappen habang si Perez ay mayroong 43 points at 30 points naman si Fernando Alonso mula na magsimula ang Grand Prix race ngayong taon.