-- Advertisements --

Bumuti na ang kalagayan ni Mexican boxer Isaac Avelar matapos ang 3rd round brutal knockout ni Pinoy boxer Mark Magsayo noong Sabado ng gabi sa California.

Bagamat nakaupo agad ang Mexican boxer ay dinala pa rin ito sa pagamutan matapos na makita na hindi maganda ang kaniyang kalagayan.

Sinabi ni Magsayo na nakausap nito ang coach ni Avelar at wala namang nakitang problema sa MRI result nito at nakauwi na sa kanilang bahay.

Dagdag pa ng 28-anyos na si Magsayo na kahit na magkalaban sila sa loob ng boxing ring ay magkakaibigan pa rin sila sa labas ng ring.

Ang nasabing laban ay siyang unang super featherweight fight ni Magsayo kung saan mayroon na itong 25 panalo, dalawang talo at 17 knockouts.