-- Advertisements --
image 241

Muling ipinaalala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga residente ng Metro Manila na ipinagbabawal ang indibidwal na paggamit ng mga paputok ngayong holiday season at maging sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Sec. Romando Artes, ito ay base pa rin sa napagkasunduan ng Metro Manila Council.

Aniya, mayroon daw mga lugar na itinalaga ng mga lokal na pamahalaan para sa mga firecrakers para maiwasan ang ano mang disgrasya.

Kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng paputok lalo na sa mga bahay-bahay.

Pero sa kabila nito, mayroon pa rin naman umanong kanya-kanyang ordinansa ang iba’t ibang mga barangay sa bansa.