Nakakuha ng pangako mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si 1-Rider Party-list Rep. Bonifacio Bosita na tututukan nito ang “pagdidisiplina” sa kanilang mga traffic enforcer.
Ayon kay Bosita, pinamamahalaan na ito ng gobyerno kung saan nagsalita ang neophyte tungkol sa proposed motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City–isa sa mga pinaka-abalang highway sa metropolis.
Tila, kinunsulta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Bosita sa planong motorcycle lane.
Inihayag ng congressman na “hindi tama” na tila sini-single out ang mga motorcycle rider.
Aniya, hindi magandang tingnan na dini-disiplina ang mga riders ngunit ang mga enforcers at pulis ay walang disiplina.
Si Bosita ang nagtatag ng Riders Safety Advocates of the Philippines (RSAP), na may napakalaking followers sa social media.
Bago siya manalo ng puwesto sa House of Representatives sa kasalukuyang 19th Congress, kilala si Bosita bilang “bayani” ng mga rider at motorista.