Nilinaw ng pamunuan ng Metrobank na wala silang kliyente ang nasaktan sa robbery incident sa isang branch nito sa Binondo, Maynila nitong umaga.
Tiniyak ng kompanya na patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa pulisya at ilan pang ahensya para matunton at mapanagot ang mga nasa likod ng pagnanakaw.
“Metrobank condemns the robbery at our Sto. Cristo branch in Manila earlier today. No clients were affected by the act and all Metrobankers are safe.”
“We will be working closely with the Philippine National Police (PNP) and other authorities to ensure that the perpetrators are apprehended.”
Batay sa ulat ng Manila Police District, pasado alas-8:30 nitong umaga nang pasukin ng pitong armadong lalaki ang bangko.
Hindi muna binanggit ng pamunuan ng Sto. Cristo branch kung magkano ang kabuuang halaga ang natangay ng mga salarin.
Sa kabila nito, wala naman daw Metrobank client ang nasaktan sa insidente.