-- Advertisements --

Magpupulong pa sa susunod na linggo ang mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang panukalang “single ticketing system”.

Sinabi ni Metro Manila Council (MMC) chairman at San Juan City Mayor Francis Zamora na sang-ayon ang lahat ng mga alkalde sa Metro Manila ukol sa nasabing panukala.

Kasamang tatalakayin dito ay kung saan nila huhugutin ang pondo ng nasabing programa.

Magugunitang ipinanukala ni Zamora ang pagkakaroon ng iisang paraan ng paghuhuli sa Metro Manila para isahan na rin ang ipapataw na mga parusa sa mga mahuhuling lumalabag sa batas trapiko.