-- Advertisements --
5 year old up kids

Tuluyan nang nanawagan ang mga alkalde ng Metro Manila sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Disease na kung maaari ay suspendihin na ang pagpayag sa mga menor de edad na makalabas ng bahay.

Ayon kay Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, bukod sa hindi pa bakunado ang mga batang ito ay posibleng sila rin ang magpapakalat ng iba’t ibang variants ng COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).

Sinabi ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi na maglalabas ang Metro Manila Council ng isang resolusyon ukol dito.

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos Jr., ang desisyon na ito ng mga alkalde sa Metro Manila higgil sa isyu.

Ayon kay Abalos, handa ang Metro Manila local government units na magpatupad ng mga hakbang para maiwasan ang pagkalat ng Delta variant na sinasabing mas nakakahawang strain ng COVID.

Noong Hulyo 8, inilabas ng IATF ang Resolution No. 125 na nagpapahintulot sa mga bata edad lima pataas na makalabas.

Pero ito ay para sa mga lugar na nasa ilalim lamang ng modified general community quarantine at general community quarantine, maliban iyong mayroong “heightened restrictions.”