Kinumpirma ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na majority sa mga alkalde sa Metro Manila ang nagnanais na mapaluwag ang quarantine status pagdating sa buwan ng Marso.
Sinabi ni MMDA Chairman Benhur Abalos Jr, na isinaalang-alang ng mga bumoto ang malaking pagkalugi sa ekonomiya kaya mas ninais nilang gawing modified general community quarantine na ang National Capital Region.
Tiinimbang aniya nila ang naging obserbasyon ng mga eksperto at ang National Economic Development Authority o NEDA bago isagawa ng desisyon.
Magugunitang ikinakabahala ng mga eksperto ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 kapag niluwagan ang quarantine status habang iminungkahi ng NEDA na dapat luwagan na ang quarantine status para makabangon ang ekonomiya ng bansa.