Isinagawa na ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) ang pagpupulong kasama ang local DRRMOs ng Metro Manila at mga member-agency nito.
Layon ng pulong na talakayin ang binubuong Metro Manila DRRM Plan at mga planong disaster response trainings para sa susunod na taon upang mas mapalakas pa ang kanilang kapasidad pagdating sa pagresponde sa mga kalamidad at sakuna.
Pinangunahan ni MMDA Acting Chairman at MMDRRMC Chairperson Atty. Romando Artes ang pulong kung saan nag-ulat ang DOST-NCR, DILG-NCR at DOH-NCR kaugnay sa kahandaan sa Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness; at firework-related case management at hand, foot, and mouth disease surveillance update.
Ibinida rin ni Artes sa naturang full council meeting ang planong pagkakaroon ng crisis management school na makapagbibigay ng full training course lalo na sa mga DRRM trainers ng Metro Manila.
Napag-usapan din ang response cluster activation para sa idadaos na Traslacion sa susunod na taon.