-- Advertisements --

Ang pag-obserba sa minimum heatlh protocols at ang pinaigting na panawagan ng pagpapabakuna kontra sa COVID-19 ang ginagawa ngayon ng mga local government units sa Metro Manila.

Kasunod ito sa ginawang pagpupulong mg Metro Manila Council na karamihan sa mga miyembro ay tutol sa pagpapatupad ng pagsusuot ng mandatory facemask.

Sinabi ni Metro Manila Council president at San Juan City Mayor Francis Zamora na mayroong 127% sa target population sa kalakhang Maynila ang bakunado na laban sa virus.

Paglilinaw naman ni Zamora na ipinapaubaya niya sa mga local government units ang pagpapatupad ng mandatory na pagsusuot ng facemasks kung saan inihalimbawa niya sa lungsod ng Maynila na mandatory ang pagsusuot ng facemask sa loob ng cityhall.