-- Advertisements --

Nagbabala ang Meta sa milyun-milyong gumagamit ng Facebook dahil “na-expose” umano sila sa mapaminsalang application ng smartphone na idinesenyo upang makapagnakaw ng mga password sa social network sites.

Ayon kay Global THreat Disruption diirector, David Agranovich, sa taong ito nakakapangamba raw dahil mahigit 400 na “malisyosong” applications na ang nagawa para sa mga smartphones mula sa Android o kaya Apple na downloadable na daw sa Google App stores.

Ang mga applications daw na ito ay madalas na humihiling sa mga tao na mag-login gamit ang kanilang Facebook information para magamit sa pagnanakaw ng mga username at password kung sakali na mai-login ang hinihinging impormasyon.

“These apps were listed on the Google Play Store and Apple’s App Store and disguised as photo editors, games, VPN services, business apps and other utilities to trick people into downloading them,” Meta said in a blog post.

Sa ngayon, pinapaalalahanan naman ng Meta security team ang lahat ng may access sa mga social media platform na mas maging maingat sa paggamit ng nasabing application. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)