-- Advertisements --

Nagpasya si football star Lionel Messi na lumipat American team na Inter Miami.

Isinagawa nito ang anunsiyo ilang araw ng matapos na ang kontrata niya sa French champion team na Paris St.-Germain.

Tinanggihan din ng dating Barcelona player ang malaking offer ng Saudi Arabian team na Al-Hilal.

Kasama sa deal sa Miami ang collaboration sa ilang brand gaya ng Adidas at Apple.

Magugunitang nakuha ng 35-anyos na forward na si Messi ang best player sa katatapos na FIFA World Cup.

Ito rin ang unang pagkakataon na maglaro si Messi sa labas ng Europa.