-- Advertisements --

Walang naitala ang Manila Electric Company’s (Meralco) na major power interruptions sa mga lugar na siniserbisyuhan nito kaugnay sa halalan ngayong taon.

Ayon sa Meralco na isa sa mga problema na naitala sa botohan para sa 2022 national elections ang power outages kung saan nasa 35 isolated outage incidents ang naitala subalit agad namang natugunan at naibalik.

Pinasalamatan naman ni Meralco Spokesperson at Vice President for Corporate Communications Joe Zaldarriaga sa maagap na assistance ng mga crew, contractors at customer care group sa polling at canvassing centers at local government units.

Patuloy pa ring nakaalerto ang power distributor para matugunan ang anumang posibleng maranasang power outage hanggang sa matapos ang proseso ng halalan.