Nanindigan ang Manila Electric Company (Meralco) na walang pagmamalabis sa kanilang singil sa electric rates, taliwas sa alegasyon na ipinupukol laban sa kanila.
Ayon kay Mr. Lawrence “Larry” Fernandez, Meralco head of utility economics, aniya bilang isang highly regulated entity, ang kanilang rates ay sumasailalim sa isang mahigpit na pagsusuri at proseso ng pag-apruba bago ito ipatupad upang matiyak na ang mga ito ay patas at makatwiran.
Binigyang-diin ni Fernandez na ang lahat ng mga rate na nasa batas ay may paunang naaayon sa batas at pag-apruba ng regulasyon dahil hindi ito unilaterally magtakda ng sarili nitong mga rate.
Ang mga regular na pagsusuri na ito ay maaaring magresulta sa mga pagsasaayos tulad ng kamakailang mga refund na nakadirekta sa ERC, kung saan sinunod ng Meralco sa isang napapanahong paraan.
Nilinaw din nito na ang pagtatakda ng weighted average cost of capital (WACC) ay nakasalalay sa regulator, at walang determinadong WACC ang Meralco mula noong Hulyo 2015 dahil walang rate reset sa panahon ng nag lapsed ang regulatory period.
Si Fernandez ay dumalo sa pagdinig ng House Committee on Legislative Franchises.
Samantala, muling binigyang-linaw ng pamunuan ng Meralco na hindi nito kontrolado ang 70% Luzon’s electricity.
Ayon kay Meralco Vice President and Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na sa Meralco area, 90% ng industrial consumption at 1/3 ng commercial consumption ay sinusupply ng ibang distribution utility.
Hindi rin sakop ng Meralco ang buong Calabarzon batay sa alegasyon.
Hindi rin kontrolado ng Meralco ang Pampanga subalit may siniserbisyuhan itong ilang mga barangays.
Nilinaw din nito na ang Groos Domestic Product mula sa National Capital Region ay hindi 60 percent.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang NCR’s GDP ng Meralco ay nasa 32% ng kabuuang PHilippine GDP.