Nakahanda umano ang Manila Electric Company (Meralco) na tugunan ang magiging pangangailangan ng kanilang customers na makararanas ng power shortage dahil sa malakas na hangin at pagbugso ng ulan na dala ng Bagyong Quinta.
Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, naka-standby na ang crew ng Meralco upang magpunta sa mga lugar na maaapektuhan ang kuryente bunsod ng bagyo.
Humiling din ang kumpanya sa mga may-ari at operators na iligpit muna ang mga billboards upang maiwasan na masira ito dahil sa lakas ng hangin.
Hinikayat din ni Zaldarriaga ang publiko ngayon pa lamang ay siguraduhing naka-charge na ang kanilang mga cellphones at iba pang gadgets.
Dapat ding tumutok ang publiko sa mga announcements ng radyo at tv patungkol naman sa power interruption.