-- Advertisements --
Mas maghihigpit nanaman ng sinturon ang mga consumers ngayong buwan kasabay ng anunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na pagtataas sa singil ng kuryente sa P0.6232 kada kilowatt-hour (kWh) para sa buwan ng Enero.
Dahilan para umakyat sa P10.9001 kada kWh ang kabuuang electricity rate ngayong buwan mula sa dating P10.2769 kada kWh noong Disyembre.
Para sa mga residential customers na komukonsumo ng 200 kWh, ang adjustment ay may katumbas na pagtaas na P125 sa kabuuang bill ng kuryente.
Ang pangunahing dahilan ng umento sa singil ay ang surge sa generation charge at pagtatapos ng refunds na iminandato ng Energy Regulatory Commission (ERC).