-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Meralco na magkakaroon ng taas-singil sa kuryente ngayong buwan ng Disyembre.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ng isa sa apat na refund na ipinag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC).
Ang singil sa kuryente ay tataas ng P0.33 kada kilowatt hour ngayong buwan.
Halimbawa ang isang household na komokonsumo ng 200 kilowatt hour asahan ang dagdag singil na P66 sa kanilang bill.
Para naman sa mga komokonsumo ng 300 kilowatt hours may dagdag na P99, sa 400 kwh ay P132 at sa 500kwh ay P165.
Kung magugunita, una ng ipinag-utos ng ERC sa Meralco na i-refund ang halagang P13.8 billion sa kanilang mga customer sa loob ng 24 buwan o dalawang taon.