-- Advertisements --
Hindi nakapaglaro si Meralco Bolts player Raymond Almazan sa laban nila ng Converge nitong Linggo ng Gabi.
Ayon sa kampo ng player, ito ay matapos na suspendihin siya ng isang laro dahil sa tangkang panunuhol sa isang traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Nakasaad aniya sa PBA Uniform Players Contract na dapat ay maging malinis ang kanilang pangalan sa publiko dahil dinadala nila ang PBA.
Magugunitang ibinunyag ng MMDA na tinangka umano ni Almazan na suhulan ang MMDA traffic enforcer matapos na dumaan ito sa EDSA Bus Lane.
Itinanggi naman ng manlalaro at sinabing ang perang iniabot ng asawa nito sa kaniya ay pambayad agad sa multa dahil sa paglabag sa batas trapiko.