Nakabantay na rin umano ang Manila Electric Company(Meralco) sa anumang maaaring epekto ng tuloy-tuloy na mga pag-ulan at pagbaha na dulot ng nagdaang bagyong Goring at kasalukuyang Habagat.
Ito ay kasunod pa rin ng anumang mga posibleng epekto nito sa serbisyo ng kuryente sa kamaynilaan
Ayon kay Meralco Corporate Communications head Joe Zaldariaga, nakahanda ang buong team na rumesponde sa anumang emergency na maaaring abutin sa power sector.
Nauna na rin aniyang inabisuhan ng Meralco ang mga malalaking business operators sa kamaynilaan na bantayan ang kanilang mga operasyon.
Kasama na rito ang pag-abiso sa mga nagmamay-ari at operators ng billboard na irolyo muna ang mga ito upang maiwasan ang pagkakalipad at pagtama sa mga pasilidad ng kuryente.
Kahapon ng binaha ang maraming bahagi ng kamaynilaan dahil sa sunod-sunod na pag-ulan kung saan sa ilang bahagi ng Quezon City ay umabot pa ng hanggang lampas-tao ang taas.