-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-iikot ngayon ang mga tauhan ng Philippine Army Mental Health and Resiliency Center sa lahat ng units ng kasundaluhan upang magsagawa ng rotatioal visit patungkol sa mental health awareness program.

Kasunod ito sa kautusan ni Philippine Army commanding general Lt Gen Romeo Brawner dahil sa pagkasawi ng apat nilang mga tauhan na walang habas na pinagbabaril nang nag-amok nila na sundalo sa Service Support Batallion compound sa loob ng 4th ID,Philippine Army headquarters na nakabase sa Camp Evangelista,Cagayan de Oro City noong Pebrero 2023.

Sinabi ni 4th ID spokesperson Army Maj. Francisco Garello Jr na layunin nang paglilibot ng kanilang mga nasasakupan ng Mentl Health and Resiliency Center ay upang tukuyin ang ilang mga sundalo na nakaranas ng matinding depresyon kaugnay sa trabaho,pamilya o sa personal.

Inihayag ni Garello na kabilang ito sa maraming ipinatupad na intervention ng kanilang hanay upang hindi na maulit ang pagwawala ng suspek na si late Pvt JohnMar Villabito kung saan ginamitan ng kanyang issued assault rifle ang pag-atake sa mga biktima dahilan na agad nasawi.

Una nang nagpaabot ng personal pakikidalamhati si Brawner sa mga pamilya ng mga namatayan at nasugatan dahil hindi iba sa kanya ang 4th ID sapagkat bago tumaas ang kanyang tungkulin sa Philippine Army ay nagsilbi pa itong division commander kung saan napatay ng tropa si CPP-NPA Mindanao Operations head Jorge Madlos alyas Ka Oris sa Bukidnon.