-- Advertisements --

Kasama ang ilang mambabatas, pinangunahan ni Rep. Rida Robes ang paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) sa Sunfull Foundation na ginanap sa Seda Hotel Vertis North sa Quezon City, Miyerkules ng October 2.

Nandoon din sa MOA signing si Rep. Rose Marie “Baby” Arenas at Rep. Ann Hofer.

Nakapaloob sa kasunduan ang pagpapakita ng commitment ng
Philippine legislators at ng foundation sa sama-samang pagkakaloob ng short at long-term solutions sa cyberbullying.

Nagkasundo rin sila na ibahagi at palaganapin ang epektibong pamamaraan at teknolohiya para maibsan ang tinatawag na online attacks at harassment sa tulong ng social media.

SAFE ONLINE SPACES

Ang Sunfull Foundation na isang non-governmental organization na nakabase sa Korea kung saan ang pangunahing layunin ay bigyan ng inspirasyon ang mga tao na mag-post lamang ng mga mensahe na humihikayat ng inspirasyon at makiramay naman sa mga biktima ng online attacks, maging ng kahindik-hindik na mga pangyayari sa mundo.

Kinilala rin ng foundation ang pagsusumikap ni Robes na linisin ang digital world na nagbunsod para siya ay hirangin bilang ambassador of the Sunfull Internet Peace Movement.

Ang naturang samahan ay inendorso rin ni Han Dong Man, ambassador of the Republic of Korea to the Philippines.

Nabatid, na ang foundation na ang proyekto na nagsimula pa noong 2007, ay napagkalooban ng special consultative status ng United Nations Economic and Social Council (ECOSOC).

MENTAL HEALTH EMERGENCY

Mistulang ang mental health ay isa sa nakaliligtaang aspekto ng healthcare sa Pilipinas.

Batay sa mga pag-aaral lumalabas na ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamataas na kaso ng depresyon na itinuturing sa buong mundo bilang mental health disorder.

Ayon pa sa mga ulat, aabot sa 3.3 million na mga Pinoy ang nagdurusa sa depression.

Naniniwala si Rep. Robes na wala nang dapat pang sayangin na panahon para ipaalam sa publiko ang usaping ito.

“It’s really a serious health condition. We cannot afford to take chances with it,” ani ni Robes.

Sa kanyang privilege speech noong Agosto, ipinunto ni Robes na ang aniya’y hostile digital spaces, lalo na ang social media platforms ang siyang nagpapala depression sa mga kabataan.

Iniulat naman ng Stairway Foundation, isang non-profit child care organization, na 80 percent ng Filipino teens na may edad na 13 hanggang 16-anyos ay nakararanas ng cyberbullying.

Dahil dito, nananawagan si Robes sa Commission on Higher Education (ChEd) at sa Department of Education (DepEd) na tulong-tulong na tugunan ang pangangailangan para sa mental health sa mga estudyante.

Inamin din ni Robes na lubha niyang ikinabahala ang mga kuwento ng mga kabataan na nakaranas ng depression na nauuwi sa pagpapakamatay dahil sa cyberbullying.

“The online world can be a blessing when it helps enrich your mind and connects you with others who can expand your perspective. However, there are threats out there, too. It can easily become a very cruel place, especially if you’re just a minor who is seeking some sort of validation from online interactions,” saad ng mambabatas.

MOVING FORWARD

At bilang pasasalamat sa pagkakahirang sa kanya ng Sunfull Foundation bilang ambassador for Internet peace, naghain si Robes ng House Resolution No. 378.

“It’s one way for the Philippines to officially show how much it appreciates forging partnerships with global partners in strengthening its campaign to raise mental health awareness and ensure that our young people find safe spaces online,” wika ni Robes.

Umaasa si Robes na mapag-iibayo niya ang kanyang koneksiyon sa Sunfull Foundation para sa pagbuo ng makatotohanan at pangmatagalang solusyon o protective measures para sa mga Kabataan, online.

“I want this to go the distance. We need to take action to protect the youth from cyberbullying and other online threats. Ultimately, our mission is to save lives and empower them as discerning Internet users,” dagdag pa ng mambabatas.