-- Advertisements --

Umapela si Vice President Sara Duterte kasabay ng pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng araw ng Kalayaan na suportahan ang sektor ng edukasyon para matulungan ang mga kabataan na lumaya mula sa mga banta dulot ng mga armadong pakikibaka.

Ito ay upang mabatid ang kanilang buong potential at magsilbing mga ahente ng positibong pagbabago sa lipunan.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ng VP Sara na tumatayo ring kalihim ng Department of Education (DepEd) na isang inspirasyon ang ilang taong martyrdom para ipagpatuloy ang pagsusulong para sa inclusive development na mag-aalpas sa mga Pilipino mula sa kahirapan, insurhensiya, adiksyon sa iligal na droga at iba pang banta sa national security.

Pinasalamatan din ng Bise-Presidente ang makabagong mga bayani na nakipaglaban para sa kalayaan ng ating bansa mula sa terorismo, kriminalidad, katiwalian at lokal na komunismo.