-- Advertisements --
Nakuha ng mens’ water polo team ng bansa ang unang panalo matapos ilampaso ang Thailand.
Mula sa simula pa lamang ay naging agresibo na ang mga Pinoy kung saan tinapos nila ang laban sa score 7-4 sa laban na ginanap sa Aquatics Center sa New Clark City sa Capas, Tarlac.
Nauna rito naging tabla ang laban ng Pilipinas kontra sa 2017 SEA Games runner up na Indonesia noong Martes.
Susunod naman na makakaharap ng koponan ang Singapore sa Biyernes, Nobyembre 29.